Siguro sa marami, masayang maging imbisibol for a day. magagawa mo kung anu man ang naisin mo. Nung isang araw, sabi ng kaibigan kong babae, kung magkaka-super power man siya, gusto daw niyang maging imbisibol. Gusto raw niyang makapunta sa kuwarto ng isang lalaki, at pagmamasdan niya lang ito buong magdamag. Pinaghalong sorpresa at libog. Ako, sabi ko, ayokong maging imbisibol. Iba naman, for a change. Buong buhay na kasi akong imbisibol. Kung mamatay man ako, di ko alam kung mapapansin pa ako. Imbisibol nga ako di ba?
Walang nakaririning sa akin. Meron akong sariling mundo. Literal. Isang mundong ako lang ang nagmamay-ari. Walang nakakakita, walang nakaririnig, walang nakadarama. Isang mundong WALA.
Minsan tinangka kong makipagkaibigan. Pilit kong sinuot ang isang maskara at ang ternong costume. Parang magmukha akong tao. Nahahawakan. Nadarama. Ang problema ko’y walang nakaririnig. Ganon din. malungkot din. MAS MALUNGKOT. Wala kang halaga sa mga taong kahalubilo mo. Meron pala! Kapag kailangan ka lang! Para kang genie na tutupad sa kanilang mga naisin. Pagkatapos ay kailangan mo ulit maging imbisibol.Isa kang pipi. Padaplis-hangin lang ang pilit kong iwiniwika. Literal. PADAPLIS-HANGIN. Wala kang sinabi. Literal. SINABI.
Hindi masayang maging imbisibol. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng superpower, wala akong hihilingin. LITERAL NA WALA. Mas gugustuhin ko pang manatiling imbisibol habambuhay kaysa makipagkaibigan sa mga nakikita, naririnig at nadarama. Hindi nila, kahit kailan, ako maiintindihan. Dahil isa akong imbisibol. Isang WALA.