Yown naman tayo e!
Monday, October 23rd, 2006Kahit sembreak na, busy as hell pa rin! Medyo napadami ata mga na-commit-an kong mga engagements a, di ako nagche-check ng sked ko. Di ko pa nga narere-edit yung music video ng Kampai at eto na naman isa na namang video ng Menaya. Tapos taping na naman ng Lynn Sherman. haay. pero kahit anung dami ng engagements na kinukuha ko, can’t seem to work out my finances. Dami ko binabayaran lately, sana matapos na.
Sa sobrang busy ko din di ko man lang natext manager ko na umalis papuntang Japan nung october 20. *wink* Monra, pasalubong ko ha! Chopsticks na bakal! hehehe! Tapos umalis din papapuntang Singapore si bosing Direk Lino. Di ko na naman naibigay size ng sapatos ko! hehehe joke lang
Napapadalas din yata ang pag inon inom ko lately. Dahil kaya sa di ko pa tapos ang thesis paper ko? hehehe. O dahil sa mga bagay-bagay na umeepal sa emotional stability ko lately? ewan ko, parang trip na ng katawan ko ang maya-mayang paglalasing.
Ngayong araw na ito ng Eid’l fitr, nag-attempt ako na wag lumabas muna tutal walang pasok. Inattempt ko na rin simulan ulit ang thesis kong nabubulok na sa flash drive ko. kaya lang, Sayang ang coupon ticket ko sa Starbucks, buy one take one din yun, di ko nagamit.
Ok na rin na ganito phasing ng buhay ko, para di masyadong nakakatamad. Mamaya mawili ako na magpahinga, mawala ako sa sirkulasyon.
Lessons for today: Wag basta-basta magcommit sa mga bagay. Konsultahin ang manager palagi. Alamin ang mga priority sa buhay.
haaay….