busy kuno
Friday, December 22nd, 2006Naaawa na ako sa cellphone ko, naghihingalo na siya dahil sa akin. Segu-segundong hina-harass dahil sa sobrang busy. sana makabili na ako ng bagong selefono.
——————————————————————————–
Ngayon lang ulit ako nakahawak ng keyboards ng pc. Alis na nanaman ako mamya para rumaket. Buti na lang me oras ako kanina na medyo tapusin ang paglinis na kuwarto ko, yet di ko pa rin natapos.
——————————————————————————–
Bukas Christmas party namin ng mga high school friends ko. Sunod na lang ako dahil me commitment ako bago nun.
Wala lang biglang pumasok sa akin yung nangyari nung tuesday-wednesday. Pinanuod ko kasi yung kampai at pinikpikan sa 70’s bistro nung tuesday, after non mga ala-1 alas-2 ng madaling araw punta kami nila oboy sa chiken boy. Kala ko kami kami lang mag-iinuman yun pala me mga tao pala. andun sina bryan bitbit si shane at ilang tropa nila mike. Ewan ko pero bigla kasi ako nawalan ng gana nung umagang yon buti na lang kakampi ko parati si oboy. Enjoy naman nung madaling araw. Biglang nagkarambol sa tapat namin sa may meatshop, sabay may sirenang tumutunog. Kala namin pulis ayun pala ay bombero. Only to find out nung mga tanghali na nasusunog pala bahay ni chinchin (gutierrez) sa loyola, kaya pala andaming nagdatingang bombero. Madaming nangyari nung madaling araw na yon, na ayoko na alalahanin.
———————————————————————————-
eto ka-chat ko si laxie ngayon. inalitaan ako about kampai video na malapit na matapos. yehey. natuwa rin ako para sa kanya dahil me indie film na siya para sa cinemalaya next year. Tapos kung kani- kaninong direktor siya sumasama ngayon. astig! ayus gud luck sa kanya
_____________________________________________________________
Siya nga pala sa mga inidian ko na mga party, baka nabasa niyo ito. Pasensya na. Talagang medyo busy lang ako ngayong bakasyon. Tsaka tinatamad ako pumunta, hindi dahil wala akong pera, kung hindi dahil tinatamad lang talaga ako. pasensya na.
———————————————————————————-
Yehey me pera na ulit ako! I’m back sa sirkulasyon! medyo marami-rami rin ako na-harbat this bakasyon. Oi Kacey alam ko binabasa mo blog ko. Lam mo na… i can give you moolah na. hehehe
———————————————————————————-
haay.. naku next time ulit. bago mag new year
