the “ewan ko” entry
Monday, January 22nd, 20071) Ewan ko ba kung bakit lagi akong kinukuhang artista/talent basta ang role ay kontrabida: goon/ gangster, demonyo, drug addict, tambay, rapist, madman, pedophile, holdaper, kidnapper, carnapper, at kung anu pang napper! Mukha kaya akong anghel! hehehe. hirap ma-stereotype sa ganoong role, pero masaya din kasi sabi nila mas matagal ang buhay sa showbiz ng mga kontrabida kesa sa mga bida (tignan niyo si Odette Khan, sa tanda niyang yon naiisyu pa siya sa mga tabloid! hehehe). Kahit anu pang build up sa akin bilang "matinee idol" ng aking manager na si Ramon Bautista, e ganun pa rin nakukuha kong role, though me mga nakukuha na rin ako na mga komedyante roles.
yesterday (sunday… hanggang kaninang umaga ng monday), pumunta ako sa shoot ni hermann (claravall) ng music video ni Skarlet (Pu3ska) para tumulong lang tutal medyo on the way din from a meeting with a friend. But i ended up being one of the goons. Ibang klase naman to kasi yung concept ay 20’s-30’s gangster at tipong "Chicago" yung setting. Ang astig ng production design dahil ang laki ng set at naka-costume lahat, sayang lang kasi nakapgdala sana ako ng sarili kong damit na 20’s type. Tuloy isa akong gangster na naka-maong pants at tsinelas, though takip naman ng suit at trenchcoat. Sana yung mga shots di kuha na nakatsinelas ako. hehehe. Kasama ko na gangster ay si Marvin (husband ni Myra <skarlet>), Allan (friend nila) at si Iago (Bench Model at boyfriend ata ni skeeter, manager ni skarlet— salamat pala Iago dun sa binigay mo saking pampagising, hehehe). Kasama rin si Timmy (Eigenmann) bilang si detective (na nagshi-share lang kami sa isang trenchcoat). Kinagat ko na rin kasi trip ko talaga yung mga nagko-costume (sayang din yung sa Misfit episode namin ni Monra sa Gameplan, kung lam ko lang na mad scientist ang role ko dun nagdala sana ako ng lab gown), though nakakapagod kasi magdamagan yung shoot, ok na rin, solve ako sa visual elements nung music video.
Anyways la naman kaso sa akin ma-stereotype sa ganung roles kahit mukha naman akong anghel at pang matinee idol (hehehe), pag wala akong raket, masaya na rin yung ganung mga trip. Sana lang me mag-offer sa akin one day na lead role na tipong me ka-love team (though meron na rin naman). hehehe. all for the love of the craft.
2) Ewan ko kung bakit napili kanina sa advertising class ko yung produkto ko, though flattering kasi me-recall pala product ko sa kanila, kaya lang considering na sa class namin most of them are FA people at mga close friends at onti lang kami dun, once in a while ko lang naman din sila nakakausap kasi most of the time sa class tahimik ako (maingay lang ako pag hyper ako, hehehe) at masyadong pala-recite. So ayus na rin, kasi gusto ko naman mga classmates ko kasi wala naman masyadong kumo-conflict sa class, ayus din si sir marlon kasi di boring yung klase kaya effort lang din pagpasok ko sa class sa 137. Sayang kasi yung una kong naging friend na FA sa class na si Deo, e mukhang MIA. I owe him the name ng product ko kasi jologs ako mag-isip e. hehehe.
3) commercial muna: salamat pala kay sol dahil binigyan mo ko ng t-shirt! yehey! me susuotin na ulit akong bago! speaking of tshirt- oi laxie hehe text mo ko kung dito ka na manila ha! tshirt ko! hehehehe
4) ewan ko bakit ngayon lang binuksan yung Tumana bridge (connecting qc and marikina sa loyola grand villas side- shortcut ko pagpunta ko up) eh ang tagal na rin namang tapos yun. But then again masaya na rin ako kasi dati ko pa iniisip na sana sa opening nung bridge, makadaan ako dun, sort of trip- ko- "binyagan"- ang- bagong- sapatos feeling.
haaay… medyo ok na rin tong monday ko though medyo groggy na ako pagkagising kaninang tanghali kasi 5am na ako nakauwi from hermann’s music video shoot. Kahit andaming bumugad na negative ngayong araw, dami rin namang positive in between (ma-check ko nga friendster horoscope ko tignan ko kung tama sa araw ko ngayon, post ko after ko ma-publish tong blog na to)
