Archive for March, 2007

salamat

Monday, March 12th, 2007

been a while since nagsulat ako rito

sa ikli ng panahon marami na ang nangyari. maraming malungkot, maraming masaya, maraming nakakakilig, maraming nakaka-haggard.

sa lahat ng ito, na-realize ko, it’s really important to appreciate people around you. gusto ko lang magpasalamat sa mga taong nakasalamuha ko these past few days…

maraming salamat sa mga kaibigang banda, sa buong wednesday group lalo na kay kaibigang jo na sa kasalukuyan ay nasa tate na. maraming salamat sa lahat. Some of my best memories are with these bands, Kampai, Menaya at Tikaz.

maraming salamat din sa buong UP CAST lalo na kina jedd, prech, patti, etc. Kasi after what happened nung event, andun pa rin yung concern niyo sa akin, na isang outsider sa org niyo, kahit na isang burden for the org yung nangyari. Maraming salamat.

Sa mga kapamilya ko na palagi akong iniintindi sa mga ganap sa buhay ko. sa mga magulang ko na di nila-lock ang gate para makapasok ako sa haus ng madaling araw.

Sa LSS for still trusting me with the show kahit busy na ako

maraming salamat din kay sir nap, sir hai at direk auraeus for trusting me bilang AD ng napakagandang pelikulang "Pisay" for Cinemalaya, makakaasa kayong gagalingan ko sa trabahong ipinagkatiwala niyo sa akin.

sa mga banda at artists na nagtiwala sa kakayahan ko at kinuha ako upang i-direk ang mga videos nila sa mga darating na buwan. mar aming salamat po! gawin na natin to.

sa isang bagong kaibigan na nagmumulat sa akin ng role ko sa universe.Pinapaliwanag ang mganangyayari sa buhay ko, sa mga past lives ko at sa darating na future. Wirdo man sa iba, pero naniniwala ako sayo! maraming salamat! usap tayo soon.

sa ilang mga kaibigang nanatili. Tunay kayong maaasahan at mapagkakatiwalaan. Marami na ang nang-iwan pero andyan pa rin kayo nagtitiwala sa akin. salamat.

pasensha na, medyo emosyonal lang ako ngayon dahil di ko na alam ang gagawin ko sa final paper ko sa pi 100 at ilang papel na na naiwan ko nung mga nakaraang araw. Shet. good luck sa wednesday!

Another Day

Saturday, March 3rd, 2007

Maraming salamat sa mga friends ko na nanuod and cheered for me sa Diliman Classics last night! Been a great night!