Yehey!
Tuesday, May 15th, 2007Yehey, tapos na eleksyon! Sana manalo ang mga binoto ko na si Trillanes at si Sir Alan Cayetano. Sana wag masyadong garapal sa pandaraya ang ilan. Nakakapagtaka lang kasi kahit super gulo ng eleksyon dito sa pinas, e lalong tumaas ang piso laban sa dolyar. All time high since jan 2000. Mukhang naglabas ng maraming reserbang dolyar ang gobyerno para i-set ang mga utak natin na ‘generally peaceful’ nga election dito sa pinas, sa pamamagitan ng pagsang ayon ng mga financial analysts at kung sino sinong mga ponsyo pilato sa mundo ng ekonomiya at kalakaran.
anyways…
yehey, resume na kami sa ‘pisay’ film, taliwas sa kumakalat na nagback-out na ang pisay sa cinemalaya film festival. resume kami ng may 19, kaya lang absent ako sa araw na iyon at sa 20 kasi me importante lang akong asikasuhin para sa future ko din! hehehehe
yehey din! magkikita kami ng matagal ko ng hindi nakikitang friend nung high school. meet kami mamya sa abs, kakape at kuwentuhan bago ako pumunta sa shoot namin mamyang 3pm.
yehey ulit kasi gagawa na ulit ako music video! malapit na din! na-miss ko na gumawa ng music video!
miss ko na rin mag net! dami na rin nangyari.