babay milo!
Monday, January 7th, 2008Milo died early this morning. A vehicle hit him.
I was awaken by ate and informed me that my dog died. Nakalabas daw and was hit by a jeepney.
Ewan ko. shock lang. Kasi last night nilalaro pa namin siya. I cried the whole morning.
Milo is very special to me kasi, i got him in Muntinlupa last September, when i finished the first cut of my thesis (my editor lives in muntinlupa). He was sort of a marker for the achievement, and at the same time a replacement for Lala, my sister’s dog who passed away a couple of months when Milo came. Sort of shallow pero somehow whenever i see Milo everytime i go home, is a reminder of the "haggard days" i surpassed in the last quarter of 2007. His being makulit and his "water bombs" were ‘breaths’ of fresh air to me.
I hand-carried him from Muntinlupa to UP, where I met Jedd to do the sound design. And he stayed for a day at Jedd’s house in Caloocan. We came home to Marikina a day before i was scheduled to shoot Gerald Santos’ "Mahal Kita" Music Video. It was raining that morning, kaya mukha siyang dugyot nang dumating sa bahay.
Like most puppies, he was a mess. With big dogs around, we can’t afford to let him stay outside the house kasi aawayin lang siya. Kaya ayun, linis ng linis si mama ng bahay dahil sa poopoo at weewee niya. He would also wake up in the wee hours of the morning to wake up my mom to feed him through the feeding bottle i bought during our trip. Talagang pampered at spoiled si loko.
Terrier daw ang lahi niya. Pero nung lumalaki mukha ng german shepherd. Kaya until now mystery pa kung anu lahi niya. We prefer na lang to call him askal. When I got him, kulay black-dark brown siya kaya milo pinangalan ko. Muntik ng mgaing ovaltine. Pero mas sosyal ang milo. Nang lumaki na siya biglang naging brown. Kakulay na siya ni China, yung isa ko pang aso.
Sobrang naging pampered to ng family, dinadala pa sa vet (by schedule) para for vaccines and boosters. Iba pa shampoo sa ibang aso. Ambilis lumaki. Last vaccination niya was nung dec 24, christmas eve. 7 pounds siya. and until tonight biglang naging 8 lbs na.
Kagabi lang kasi ang weird dahil sobrang nilalaro pa namin siya. Inaasar pa namin siya "Patayin sa sindak si Milo" kasi launching kagabi ng show ni kris aquino sa abs kagabi yung patayin sa sindak si barbara. I wanted to take his pic pa kasi naidlip siya sa legs ko, which is bihra dahil sa kakulitan niya. Na-realize ko lang kanina, i never kept a picture of him pero may mga videos sia galing sa phone. Yung photo niya nung dumating sa bahay nabura ko na kasi sa dati kong phone. (yung mga pics sa taas ni-capture ko pa sa mga videos niya). Ang kulit kasi kaya di mo makuhanan ng litrato. I’ll fondly remember Milo for his signature "right, right, left, left" wagging of his tail pag may dumadating sa bahay. Tinatawag din namin siyang baboy dahil nga anliit pa ng "pototoy niya" niri-rape na niya si China at mga legs nila ate. Hehehe. Joke ko nga kanina: "my dog died a virgin"
Shock lang talaga ako ng nakita ko siya kaninang umaga. My sister said he was dead. Pero pagpunta ko sa side niya kanina, he was still breathing ng onti, nakadilat ang mata, as if he waited for me. Then wala na. Inaayos ko siya ng kaunti tapos di ko mapigilang maiyak. Tapos biglang may narinig pa ako sa tv kanina. Ang palabas Unang Hirit, kinakanta ni Maricris Garcia yung version niya ng "Mahal Kita" ni Gerald Santos, yung ginawan ko ng video a day before dumating sa bahay si Milo. Napamura ako at naiyak na lang sa kuwarto.
I never felt something this huge for a dog before. Pag may namamatay na aso sa amin, mabilis ako maka-get over. Eto hindi talaga. Ambigat sa pakiramdam.
He was my lucky charm. Nawala na yung luck ko. It was his time na, i guess. I don’t blame anyone, kahit yung driver or naiwang bukas ni mama yung gate.
Ewan ko when i was crying myself to sleep kaninang umaga, ang weird lang, dahil parang may kumakagat ng buhok ko. Ugali kasi ni Milo yun e, pag nilalandi namin, kinakagat niya yung buhok namin. That’s why I’m still grieving. Kahit na kapapanganak lang ng pusa namin 3 days ago. He was and will always be that special.
Babay Milo.


